76

May 26, 2020 @ 20:36
By

Mamaw! 8 MVP target ng SMB kay Fajardo

Kung si Michael Jordan ang NBA GOAT, hindi maikakaila na sa ngayon ay si June Mar Fajardo na ang maituturing naman na ‘greatest of all-time’ sa PBA.

Paano ba naman kasi ay buhat na dominahin ni ‘The Kraken’ ang liga noong 2013 ay anim na sunod-sunod na nitong nakuha ang PBA MVP award sa kanyang karera.

At hindi lang individual accolade siksik ang sentro ng San Miguel, maging sa kampeonato ay umaapaw din ang baul ng 6-foot-10 star sa kanyang walong kampeonato.

Ngunit para sa teammate nitong si Arwind Santos, kulang pa ang nasusungkit na MVP plum ni June Mar.

Sa panayam sa online sports show na ‘2OT’, binahagi ni Arwind na balak nilang paabutin ng walong MVP ang makuha ni Fajardo sa PBA.

“Noong time na parating siya, excited na excited ako,” sey ni Santos. “Hindi ko na inisip kung makukuha ko pa ‘yung MVP na ‘yan.”

“Sabi ko, alam ni June Mar ‘yan, ikaw na ‘yan. Kahit walong MVP, susuportahan ka namin. ‘Wag kang mag-alala, ibibigay namin lahat sa ‘yo ‘yan. Sabi kong ganoon sa kanya,” aniya pa.

Hindi naman malayong mangyari ito dahil 30-anyos pa lamang si ‘The Kraken’, at kung agad na makabawi sa leg injury ay paniguradong muling maghahalimaw sa liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?