122

By

Mamamahayag sinaksak, patay sa basketball court

Sharing is caring!

Inundayan ng saksak ang isang beteranong mamamahayag sa isang basketball court sa Daraga, Albay.

Ayon sa pulisya, naglalaro ng basketball si Celso Amo, correspondent para sa The Philippine Star sa loob ng 21 taon.

Nang yayain ng suspek na si Adam Abanez, tubong-Sorsogon, si Amo sa isang laro ay tumanggi ang biktima.

Dito na nangyari ang pananaksak ng bumalik si Abanez dala ang isang bolo at inutas si Amo.

Nadala pa sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital si Amo ngunit binawian din agad ito ng buhay.

Nahuli naman agad ang suspek at sinabi pa ng pamilya nito na may sakit ito sa pag-iisip dahil sa pagkamatay ng ina nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?