47
Abante-TnT-duterte
By

Mamahaling motorsiklo ni Duterte, kinuha ni Mayor Sara

Sharing is caring!

Na-sequester ng panganay na anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte ang kanyang mga mamahaling motorsiklo.

Ito ang ibinida ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa closing ceremony ng Motorcycle Riding Course ng Philippine National Police Region 11 Motorcycle Units sa Davao City.

Sinabi ng Pangulo na malaking bagay ang paggamit ng motorsiklo lalo na sa panahon ng emergency dahil madaling mailusot ito sa traffic, hindi katulad ng police mobile car na maaaring matengga.

Ayon pa sa Presidente, mayroon din siyang mga motorsiklo dahil mahilig itong maglibot sa bansa pero ang masaklap aniya ay kinuha lahat ito ng kanyang anak na si Mayor Sara at ipinapagamit ngayon sa mga security nito na miyembro ng Presidential Security Group.

“Ako, ang nangyari sa akin kinuha ni Inday lahat ang motor ko. I would’t know what did they do with it. ‘Yung Can-Am ko, ‘yung Shadow ko, napaiyak ako eh… ‘yung BMW ko andun sa kanya. Ang nagda-drive ‘yung mga PSG susmaryosep,” anang Pangulo.

Matatandaang inihayag ng Pangulo na nalibot na niya halos ang buong Pilipinas sakay ng kanyang motorsiklo at naaksidente na rin ito kaya mayroon itong problema sa kanyang spinal cord.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?