780

By

Mamahaling kotse ginasgasan ng binata para bilhin ng ama

Ginasgasan ng isang 22-anyos na lalaki ang brand-new BMW na naka-display sa dealership store para mapilitan ang kanyang ama na bilhin ito.

Ayon sa World of Buzz report, nag-tantrum si Ji Moubing habang nasa BMW dealership store sa Jiangxi, China nang hindi pumayag ang ama niyang bilhin ang gusto niyang sasakyan.

Gamit ang susi, ginasgasan niya ang BMW car.

Nangyari ang insidente noong Nobyembre 25 ng hapon sa showroom.

Nang dumating ang mga pulis matapos i-report ng salesman ang nangyari, kalmado lang na nakatayo si Moubing na tila walang ginawang masama dahil plano naman daw niyang bilhin ang ginasgasang sasakyan.

Interesadong-interesado umano si Moubing sa sasakyan kung saan nagkuwento pa ito sa salesman na nangako sa kanya ang kanyang tatay na bibilhan siya ng magarang kotse bilang regalo dahil sa pagkakakuha na niya ng lisensya.

Tumawag si Moubing sa kanyang ama tungkol sa pagbili niya ng sasakyan pero matapos ang naging phone call ay bigla umanong nagalit ang una at kinuha ang car keys.

Nilapitan niya ang BMW at nilagyan ito ng mahabang scratch. Dito na nag-panic ang salesman at tumawag ng pulis.

Inaresto si Moubing pero hindi pa batid kung pababayaran sa kanyang ama ang “sinira” nitong sasakyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?