29

Malvar biopic ni Pacquiao lalahok sa MMFF 2020

Target makapasok ng biopic ni General Miguel Malvar sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2020 at maging sa mga international film festival.

Ayon ito kay Atty. Jose Malvar Villegas, apo ng national hero at may-ari ng JMV Film Production, sa press conference na ginanap sa Shangri-La Makati kamakailan, sa ulat ng Abante Tonite.

Ang presscon ay tungkol sa pagsasapelikula ng ‘Malvar’ na pagbibidahan ni Senador Manny Pacquiao.

Bukod kay Pacquiao, dumalo rin sa presscon sina Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin na line producer ng pelikula, at Batangas Vice Governor Mark Leviste na gaganap din sa pelikula bilang close-in aide ni Pacquiao.

Ipapakilala sa publiko ang buong cast ng pelikula sa darating na Dec. 22, 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?