faeldon-gordon
By

Malupit si Gordon – Faeldon

Sharing is caring!

Inalmahan ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang tinawag nitong hindi makataong pagtrato sa kanya ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon habang siya ay nasa detention cell ng Senado.

Sa kanyang statement, inisa-isa ni Faeldon ang aniya’y cruel, degrading at inhumane na punishment na ipinataw sa kanya ni Gordon.

Kabilang dito ang pag-alis sa kanyang karapatan na makasama ang kanyang mga mahal sa buhay noong Pasko at Bagong taon; hindi pagpayag na masuri siya ng cardiologist dahil sa kanyang heart ailment; tinaggalan din anya siya ng karapatan sa kanyang religious practices; hindi pagpayag na makapanumpa kina Defense Secretary Delfin Lorenzana sa kanyang bagong posisyon sa Enero 10 at ipinagkait din sa kanya ang karapatan na maging asawa at ama nang isilang ang kanyang bunsong anak.

Sinabi ni Faeldon na batay sa kanyang impormasyon, lahat ng desisyon ni Gordon ay pagsunod lamang sa tinawag nitong cement-smuggler senator na si Senador Panfilo Lacson.

Nagkamali aniya siya ng akala na kayang labanan ni Gordon ang cement smuggler senator subalit maling-mali aniya siya.

“While I totally expected extreme cruelty from the likes of Lacson and (Senador Antonio) Trillanes, I never expected that from Sen. Gordon. What happened to you Sen. Gordon,” saad ni Faeldon.

Binalaan pa aniya siya na kung ilalabas nya ang pahayag na ito ay puputulin ang kanyang visitation rights at tatanggalan ng suplay ng kuryente at tubig.

“Go ahead Sen. Gordon, kick me and punish me some more, if that makes you a biggerman,” hamon pa nito kay Gordon.

Si Faeldon ay ikinulong sa Senado noong Setyembre dahil sa hindi pakikipagtulungan sa hearing ng Senado kaugnay sa anomalya sa BOC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?