47

Apr 24, 2020 @ 15:17
By

Malulugi ng P55.2B! Mga private school, nanganganib magsara

Umaaray ang asosasyon ng mga private school sa bansa dahil aabot sa P55.2 billion ang malulugi sa kanila kapag inurong sa Agosto ang pagbubukas ng klase dahil sa COVID-19 pandemic.

Hindi lang ‘yan dahil kapag nagpatuloy pa ang pagkaantala at hindi buksan ang school year ngayong taon ay tinitingnan na P142.1 billion ang ikalugi ng mga pribadong paaralan, na magreresulta umano sa pagsasara ng mga ito.

Ayon ‘yan sa Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA), kung saan kaanib ang nasa 2,500 miyembro ng Philippine Association of Private Schools, Colleges and Universities (PAPSCU); Philippine Association of Colleges and Universities (PACU); Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP); Association of Christian Schools Colleges and Universities (ACSCU); at Technical Vocational Schools Association of the Philippines (TVSA).

“Private schools are affected too and are at the verge of closing down operations,” ayon kay COCOPEA managing director Atty. Joseph Noel Estrada. “The revenue loss for the private education sector if school opening is pushed to August is already estimated at Php 55.2 billion [and] this estimate shoots up to 142.1 billion of revenue loss if classes do not open at all this coming school year.”

Sa tala ng Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED), napansin ng COCOPEA na 30.7 million ang mga mag-aaral sa bansa, sa nasabning bilang ay 16 percent ang nag-aaral sa mga private school para sa elementarya at high school, habang 54 percent naman ang nasa private college at university.

Bukod pa dito ay nangangamba din ang COCOPEA sa kanilang mga guro,faculty at school personnel, na bawas ang sweldo o ang iba ay wala talagang natatanggap habang nasa ilalim ang Luzon at ibang parte ng bansa sa enhanced community quarantine.

Ani Estrada, sinusubukan ng mga private chool na panatilihin ang kanilang mga empleyado, ngunit ang payroll ng ibang paaralan ay hanggang April 30 na lang.

“After this date, many private schools would resort to extreme measures to avoid closure such as placing school personnel on floating status without pay, non-renewal of contracts, and even retrenchment,” aniya pa.

Sa kabila nito ay naghahanda na ang mga private school sa ilalim ng COCOPEA para sa pagbubukas ng mga klase. Ayon kay Estrada ay naglalaag ng flexible learning delivery mode ang ilang paaralan para magkaroon ng access ang lahat ng kanilang estudyante anuman ang esado sa buhay.

Nanawagan ang COCOPEA sa gobyerno na huwag na masyado i-delay ang opening ng school year 2020-2021 at nanawagan na magsagawa na lang ng innovative at flexible na learning delivery mode para matuloy ang mga klase.

“Education is vital, it cannot stop,” giit ni Estrada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?