15
operating hours
By

Malls nalugi sa adjusted operating hours

Sharing is caring!

Hihingin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga mall ang datos ng kanilang kinita nitong nakaraang Kapaskuhan kung kailan nagkaroon ng adjustment sa kanilang operating hours.

Sinabi ni Celine Pialago, tagapagsalita ng MMDA, na una nang sinabi ng malls na bumaba ang kanilang benta noong holiday season dahil sa tanghali na pagbubukas na alas-11:00 ng umaga sa halip na alas-10:00.

Kasabay nito, sinabi ni Pialago, na kinausap na nila ang ilang mall operators na huwag munang ibalik sa dating oras ang kanilang operating hours sa katuwiran na gumaan nang bahagya ang trapiko.

Dagdag pa nito, bumilis din ng 10 porsiyento ang biyahe ng mga sasakyan.

Aniya, handa naman silang makipag-usap sa mga mall operator hinggil sa kanilang kahilingan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?