29

By

Mallari pumutok sa 4th quarter, Phoenix nakalusot vs Alaska

Matapos magsimula ang indefinite suspension kay Calvin Abueva, sa wakas ay nakabutas sa winner’s column ang Phoenix Fuel Masters, nakipagmatigasan sa Alaska Aces, 78-76, sa 2019 PBA Commissioners Cup, Sabado ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Bagama’t maganda ang record ng Alaska kasama ang kanilang import na si Chris Daniels, nag-average ng 20.17 points, 12.33 rebounds at 2.00 blocks sa anim na laro, pinili pa rin ng Aces na magpalit ng reinforcement.

Sa unang salang ni Nino Johnson, na kakagaling lang sa NBA G-League, tumapos lamang ng six points, limang steals, at tig-apat na rebounds at blocks.

Dikitan ang kabuuan ng laban, ang biggest lead ay pito mula sa Phoenix na naitarak sa pagsisimula ng third quarter, 30-37.

Huling dalawang minuto ay napalawig ng Phoenix ang lamang sa lima, 74-69, sa bisa ng floater ni LA Revilla ngunit sumagot ng dalawang free throw si Kevin Racal.

Ngunit ayaw sumuko ng Alaska, nakatabla, 76-all, matapos blangkahin ni Johnson ang floater ni Revilla at mailusot ni Banchero ang layup sa pasa ni Vic Manuel, 33 segundo ang nalalabi.

Sunod na possession, nahanap ni Mallari si Justin Chua at sumakto sa lay-in na kinailangang ibaliko ang katawan, binalik sa driver’s seat ang Phoenix, 9.8 seconds ang nalalabi, kasunod ang magandang depensa sa Alaska para maiuwi ang panalo.

“We just want to play hard for him and get him a win, we didn’t want to be on the bottom we want get back on top where we belong,” ayon kay Mallari nang matanong sa impact ng pagbabalik ni Phoenix coach Louie Alas matapos ang two-game suspension.

Tumapos si Mallari 7th year guard ng may 15 points, sampu ay galing sa fourth quarter, perpektong three of three din sa tres.

Abante ang kartada ng Phoenix sa 2-3, nakatabla sa Ginebra habang laglag naman sa 4-3 ang Alaska at naputol ang three game win streak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?