169

Mar 7, 2018 @ 14:00
By

Mall sa Lucena, nasunog

Sumiklab ang sunog sa Pacific Mall sa bayan ng Lucena, Quezon province Martes ng gabi.

Batay sa report ng Lucena Central Fire Station, nagsimula ang apoy bandang alas-6:00 kamakalawa ng gabi nang mayroong makakita na maitim na usok mula sa isang stall ng mall.

Agad namang naapula ang sunog sa tulong ng water sprinkler ng mall.

Wala naman naiulat na nasaktan sa nasabing sunog maliban sa isang na-suffocate sa insidente at agad namang nabigyan ng first aid.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?