234

Dec 23, 2017 @ 12:48

Mall sa Davao City, nilamon ng apoy

Sumiklab ang sunog sa isa sa pinakamalaking malls ng Davao City alas-nuwebe ng umaga ngayong Sabado.

Sa inisyal na ulat, nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng NCCC Mall sa Ma-A Crossing, ayon sa Radyo Inquirer.

Walang iba pang detalye hinggil sa pinagsimulan ng sunog o kung may nasugatan sa pangyayari.

Kasalukuyan pang inaapula ang sunog habang isinusulat ang balitang ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?