43

Dec 12, 2017 @ 15:09

Mall employee, tiklo sa pag-shoplift ng LED lights

Kalaboso ang isang lalaki matapos mahuling nagnanakaw ng LED lights sa isang mall sa Tondo, Maynila Lunes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si John Cedric Aguilar, 20, at empleyado ng isang mall.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Moriones Police, nahuli si Aguilar na nagnanakaw ng anim na pirsaong LED lights para sa motorsiklo na nagkakahalaga ng P4,000.

Agad siyang inaresto ng security guard na mall na si Allan Magasin Jr. Nahaharap siya sa kasong qualified theft.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?