157
ABANTE-TNT deped allowance train ph
By

Maling impormasyon sa mga libro, hugas-kamay ang DepEd

Dumistansya ang Department of Education (DepEd) sa mga ginagamit na libro na naglalaman ng maling detalye ukol sa kasaysayan sa bansa.

Sinabi ni Education Sec. Leonor Briones na ang mga kinukuwestiyon na libro na ginagamit sa ilang public school sa Valenzuela City ay Bulacan ay hindi nagmula sa kagawaran.

Pagdidiin ni Briones, antigo na ang mga libro at hindi alinsunod sa K to 12 curriculum.

Aniya hinihinakayat nila ang mga kritiko ng mga libro sa mga pampublikong-paaralan na tulungan sila sa mga isinasagawa nilang pagbabago at pagtatama sa mga nilalaman ng mga libro.

Paliwanag pa nito, nililimitahan ng RA 8047 o ang Book Publishing Industry Development Act ang partisipasyon ng DepEd sa paglilimbag ng mga libro.

Aniya nakasaad sa batas na ang mga libro ay dapat isulat at ilimbag ng mga pribadong indibiduwal o kompaniya.

Idinagdag pa ni Briones na inaalam na rin nila kung saan pang mga pampublikong-paaralan ginagamit ang mga kuwestiyonableng libro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?