Abante-TnT-GAry-alejano
By

Malinaw na IRR para sa subpoena powers, iginiit ni Alejano

Sharing is caring!

Kinontra ni Magdalo partylist Rep. Gary Alejano ang pahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa na hindi na kailangang mag-isyu ng internal rules kaugnay ng ibinigay na subpoena powers sa PNP Chief at dalawa pang matataas na opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa ilalim ng bagong batas na Republic Act 10973.

Ikinatuwiran ni Dela Rosa na gagamitin na lamang nila ang kanilang konsensya sa pagtukoy kung kailangang magpalabas ng subpoena.

Pero ayon kay Alejano, iresponsableng pahayag ito mula sa pinuno ng pambansang pulisya.

Iginiit ng kongresista na sa halip na dumepende lang sa konsensya, kailangang magkaroon ng konkreto at malinaw na Implementing Rules and Regulations ang PNP na pagbabasehan bago mag-isyu ng subpoena.

Magsisilbi rin anya itong reference point ng publiko para mapanagot ang kaukulang mga opisyal ng PNP kung merong pagkakamali sa pagpapalabas ng subpoena.

“The objective of this law is to strengthen the PNP in the conduct of their mandate. The process and limitations governing this power must be clearly defined, else, it will only be seen as shortcut to be used subjectively by the PNP’s top officials,” sabi ni Alejano.

“Having established rules and regulations would also clear the air of apprehension coming from the public which seeks safeguards against possible abuses of this power,” dagdag ng kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?