69

Nov 24, 2019 @ 20:00

Maliksi, Bolts pasok sa semis, pinatalsik ang Alaska

Kumayod si Allein Maliksi ng 23 points, 3 rebounds, 2 assists at 1 steal buhat sa bench habang humaging si Allen Durham sa triple-double nang pagsibak agad ng Meralco ang Alaska Milk, 98-94, at sakupin ang unang silya sa semifinals sa pagbubukas ng 44th PBA Governors’ Cup 2019-2020 quarterfinals Linggo nang gabi sa Smart Araneta Coliseum.
‘Di pinalasap ng Bolts ng kalamangan
sa kabuuang ng laro at pinostehan ng 22 puntos na Aces upang siguruhin ng second seed team ‘di na makakahirit ng sudden-death game and seventh seed squad, sinamahan na sa pagbabakasyon ang Rain or Shine, Columbian, Phoenix Pulse at Blackwater.
“Credit to my teammates,” sabi ni Durham na may agapay kay best player of the game Maliksi ng 28 markers, 16 boards at 8 feeds.
“They did the rest of the job and make
my role easier. We just keep with our strength on defense and stick with or plan together for the win.”
Si Chris ­Newsome ang isa pang nag-alsa sa mga bata ni coach Norman Black na bumoltahe ng 17 pts., 5 rebs., 2 asts. at 1 stl.
Itinala ng Bolts ang pinakamalaki nitong abante sa 22 puntos sa paghulog ng 13-0 sa 2:57 ng second period, 49- 27 mula sa basket ni Durham.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?