ABANTE msme small business negosyo google ph online dti
By

Maliit na negosyo pinapasok ng DTI sa ‘online’

Sharing is caring!

Nakipagpulong ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Google Philippines para sa pagpapalakas ng ‘online presence’ maging ng mga maliliit na negosyo sa bansa.

Napag-usapan din nina Trade Sec. Ramon Lopez at Google Phils. Country Manager Kenneth Lingan na turuan ang mga maliliit na negosyante ng ‘online marketing skills.’

Pagtutulungan din ng DTI at Google Phils., kung paano magagamit ng mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) ang Google My Business platform para mas madaling hanapin sa Internet ang mga maliliit na negosyo.

Natalakay din sa pulong ang posibilidad na magamit ang 700 Negosyo Centers sa bansa para sa mga negosyo na malaman kung sila ay makikita sa Google Maps at kung paano sila makakagawa ng website ng kanilang pinagkakitaan. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?