52

Jul 7, 2020 @ 11:57
By

Maliit na eroplano bumagsak sa Zamboanga, 4 sakay ligtas

Nasagip ng Philippine Coast Guard ang apat na sakay ng isang pribadong eroplano na nag-emergency landing kanina sa baybayin ng Barangay Sinunuc, Zamboanga City.

Ligtas namang nakaalis sa Piper PA-34 Seneca ang pilotong Indian at sakay nitong isang Pilipino, Indian, at Nepali.

Sa paunang imbestigasyon, napag-alaman na umalis ang eroplano sa Zamboanga Airport bandang 9:30 ng umaga, at patungong Dumaguete City.

Matapos ang ilang minuto, nabigo umanong gumana ang kaliwang engine ng eroplano, kaya kinailangan ng emergency landing ayon sa piloto nito.

Binyahe na ng PCG rescue teams ang apat papunta sa CAAP office sa Zamboanga City para sa assistance at imbestigasyon hinggil sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?