11

Aug 19, 2020 @ 17:34

Maliit na ‘elepante’ nadiskubre sa Africa

Makalipas ang halos 50 taon, naispatan sa Horn of Africa ang isang elephant shrew species.

Akala’y hindi na nag-e-exist, naidokumento ng mga scientist ang “little mammal” na Somali elephant shrew o Somali sengi sa kauna-unahang pagkakataon mula pa 1970s, ayon sa ulat ng CNN.

Hindi man umano sigurado pa kung isang shrew o daga ang Somali elephant, pero malapit itong kamag-anak ng elepante, aardvark at manatee.

May pagkakatulad umano ang trunk-like nose nito sa elepante kahit maliit ito. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?