242

Feb 29, 2020 @ 13:39
By

Maliit din ang kita: Jeepney driver ayaw tanggapin ang binayad ng vendor

Naantig ang damdamin ng mga netizen sa tweet ni @aceeeh tungkol sa isang jeepney driver na nilibre na ang pamasahe ng isang vendor.

Sa tweet ng netizen, nagbayad umano ang nakasabit na vendor na kung titingnan sa larawan ay nagbebenta ng inuming tubig.

Nang makarating sa tsuper ang bayad ay sinauli umano ito, dahilan para magtaka ang vendor.

“Hindi ko to tatanggapin,” saad ng driver sa Bisaya.

“Bakit binalik?” tanong naman ng vendor.

“Alam ko mahirap ‘yung trabaho mo. Maliit lang din ang kita. Sayo na yan,” tugon ng tsuper.

Sa ngayon ay mayroon nang 17,200 likes at nasa 5,900 retweet ang nasabing post

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?