86

Mar 16, 2020 @ 15:15
By

Maliban sa Italy! Spain, France record high din sa COVID-19 death toll

Sinundan ng dalawang pinakamalaking states sa European Union ang Italy pagdating sa bilang ng namatay sa coronavirus (COVID-19).

Bunsod nito, nag-anunsiyo na ang Spain at France ng emergency restriction para malabanan ang pagkalat ng virus, ayon sa BBC.

Sa Spain, bawal nang lumabas ang mga tao sa bahay maliban kung bibili ng mga importanteng supply at gamot o kung dahil sa trabaho.

Dahil sa 191 na namatay sa COVID, pumangalawa ang Spain sa Italy sa pinakagrabeng naapektuhan ng virus.

Isinara naman ang mga café, restaurant at sinehan sa France matapos sumampa sa 91 ang pumanaw dahil sa virus sa kanilang bansa.

Simula nitong Lunes, Marso 16 nagpatupad na ng nationwide lockdown ang Italy matapos makapagtala ng mahigit 1,440 na patay sa COVID.

Magugunitang idineklara ng World Health Organization na ang Europe na ang “epicentre” ng pandemic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?