25

Jun 24, 2022 @ 11:08
By

Maliban sa isa: Jeric binura lahat ng larawan sa IG

Nagtaka ang mga netizen sa ginawang pagbubura ni Jeric Gonzales sa lahat ng kanyang larawan sa Instagram, maliban sa isa.

Itinira kasi nito ang larawan kung saan makikita ang tatlong lalaki na nakatingin sa dagat.

Ayon sa ilan, maaaring may koneksyon sa napapabalitang hiwalayan nila ni Rabiya Matteo ang kanyang pagbubura.

Matatandaang kamakailan ay kumakalat ang balita na naghiwalay na ang dalawa.

Samantala, makikita pa rin sa Instagram account ni Rabiya ang mga larawan nila ni Jeric.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?