37
views

By

Male personality binubutas ang bulsa ng mga karelasyon

Sharing is caring!

IWAS na iwas ngayon ang mga kababaihang artista sa isang male personality na mukhang minaster na ang pagiging manggagamit. Ipinaglihi raw sa manggang hinog ang male personality na lahat ng nakakarelasyon ay nagsisi dahil nawakwak ang kanilang bulsa habang magkarelasyon pa sila.

Mismong mga magulang ng kanyang ex ang nagpapatotoo kung gaano kagaling ang lalaking personalidad na ito sa pagdadrama. Gamit na gamit niya ang kanyang pamilya, marami siyang kuwento tungkol sa kanilang pinagdadaanan, kaya nakukuha niya naman ang awa at simpatya ng kanyang karelasyon.

Sabi ng mommy ng isang ex ng male personality, “Malaki ang ipon ng anak ko nu’ng maging sila. Pero habang tumatagal ang relasyon nila, pabawas din nang pabawas ang naiipong amount ng anak ko sa bank. Panay-panay ang withdraw niya, e, hindi naman namin siya inaasahan sa bahay, wala rin siyang nabibiling mga kagamitan para sa sarili niya!

“Natural, bulag sa pag-ibig ang anak ko, palagi niyang pinagtatakpan ang boyfriend niya! Nalaman na lang namin ang totoo nu’ng mag-break na sila. Nagtapat sa amin ng daddy niya ang anak ko.

“Napaka-user pala ng lalaking ‘yun! Ang ipinagtataka lang namin, e, bakit ang galing-galing niyang magdrama, di ba, comedian siya?” tanong ng mommy ng isang ex ng male personality.

Pasok sa banga! ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?