5

Malditas yuko sa Thais

Sharing is caring!

Nabigo ang women’s football team ng Pilipinas na makakuha ng spot sa 2019 FIFA Women’s World Cup sa France matapos matalo sa Thailand, 1-3 sa final Group A match sa AFC Women’s Asian Cup sa King Abdullah II Stadium sa Amman, Jordan.

Dalawang puntos ni Kanjana Sung-Ngoen at isa kay Silawan Intamee ang nagselyo ng panalo sa Thais kontra Malditas. Naka-iskor naman si Jesse Shugg para sa nag-iisang goal ng Pilipinas.

Kinakailangan ng Malditas na talunin ang Thailand para makausad sa susunod na round ng torneyo at makuha ang awtomatikong slot sa World Cup subalit nabigo ang mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?