17

Sep 24, 2021 @ 21:05
By

Malditas sinipa HK, abante sa Asian Cup

Pasok sa 2022 AFC Women’s Asian Cup ang Philippine women’s football team na Malditas matapos ilampaso ang Hong Kong, 2-1, sa qualifiers na ginanap sa JAR Stadium sa Tashkent, Uzbekistan nitong Biyernes.

Ang late goal ni Chandler McDaniel ang tumapos sa Hong Kong at nagbigay sa Malditas ng 2-1 win.

Napanatili ng koponan ang perpektong 2-0-0 record sa Group F ng qualifiers at tumapos na may anim na puntos, kaya nabigyan ng outright berth patungong AFC Women’s Asian Cup na gaganapin sa India.

Dahil dito, maaari nang makipagtagisan ang mga Filipino booter para sa spot ng Asia sa 2023 FIFA Women’s World Cup.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?