1

By

Malditas puntirya ang FIFA Women’s World Cup

Sharing is caring!

Puspusan na sa pagpapakondisyon ang ilang miyembro ng Philippine Malditas bilang paghahanda sa mga torneong lalahukan sa taong ito kabilang ang AFC Women’s Asian Cup.

Kasalukuyang nasa Amerika na ang koponan at sumasailalim sa tatlong buwang training camp sa California.

Ayon sa dating Ateneo star at striker na si Cam Rodriguez, malaking tulong sa mga miyembro ng kanilang team ang training sa U.S.A. dahil pinupuntirya nila ang slot sa FIFA Women’s World Cup.

“We’re already one foot in making it to the WCQ, so we need to perform our best in April to get both feet in for the World Cup. And it’s the World Cup we’re talking about. That’s something every footballer can ever dream to be participating in,” ayon kay Rodriguez. “Personally I’m in this a hundred percent, nothing less. I’m looking forward to learning from my coaches, teammates, opponents, and the whole experience. At the end of the day, this is for the betterment of Philippine football, especially for the women’s game.”

Isang linggo na sa U.S. training si Rodriguez kasama sina Patrice Impelido, Inna Palacios at Sara Castañeda at ginagabayan sila ng bagong-talagang coach na si Richard Boon at assistant na si Clint McDaniel.

Inaasahan ding lalahok sa training camp sa mga susunod na araw ang mga foreign-based players na sina Eva Madarang, Hali Long, Hanna Parado at Claire Lim, na naglaro para sa bansa sa nagdaang AFC Women’s Asian Cup Qualifiers at Southeast Asian Games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?