24

Malditas, makikipagbalyahan vs SoKor para sa Women’s World Cup

Sharing is caring!

Haharap sa importanteng laban ang Philippine women’s national football team sa kampanya nito para makapasok sa 2019 FIFA Women’s World Cup sa France.

Haharapin ng Philippine Malditas ang South Korea sa fifth-place playoff ng AFC Women’s Asian Cup sa Lunes (1 a.m. ng Martes, oras sa Pinas) sa Amman International Stadium sa Jordan.

Makukuha ang tiket sa last spot ng Women’s World Cup ng magwawagi sa Malditas-South Korea battle.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?