320

Jun 13, 2020 @ 16:32

Malditang aktres purdoy sa lockdown

Tawa nang tawa ang aming source sa kuwentong nakarating sa kanya tungkol sa isang may katarayang female personality.

Hindi siya ma-PR, may kamalditahan siya, walang masyadong kinakaibigang kapwa artista. May sariling mundo ang babaeng personalidad na ito, hindi siya masyadong palakibo, ilag sa kanya ang mga katrabaho niyang artista pati ang production staff.

Kuwento ng aming impormante, “E, biglang nag-lockdown! Walang trabaho ang mga artista, bawal lumabas ng bahay, nganga silang lahat!

“Natural, hindi naman ganu’n kayaman ang female personality, hindi rin kalakihan ang talent fee niya, kaya obviously, wala siyang masyadong pagkukunan!

“May naipon man siya, e, hindi pa rin ‘yun kakasya, kakapusin pa rin siya, dahil puro palabas ang pera niya! Heto na, biglang tumatawag na siya sa mga co-stars niyang dati, e, ni hindi nga niya kinakausap!

“May mga ibebenta siyang bags, gadgets, kung anu-ano ang inaalok niya! Bigla siyang nagkaroon ng PR, kinakausap na niya ang mga artistang dati, e, hindi nga niya pinapansin!

“Kailangan niya kasi ng datung na pangtustos sa mga needs niya habang lockdown. Walang-wala na siguro siyang mahugot sa bulsa niya, kaya ayun!

“Biglang kilala na niya ang mga co-stars niya, nakikipagkaibigan na siya, sa totoo lang!” unang kuwento ng aming source.

Natural, nagtatawagan ang mga artistang inaalok niya ng kung anu-anong kagamitan, isa lang ang naisip nila, kapag kailangan daw pala ay marunong namang maging humble ang malditang aktres, lumalabas naman pala siya sa kanyang sariling mundo.

Patuloy ng aming source, “May mga bumili naman ng ino-offer niya, ipinadala agad sa kanya ang datung, dahil mukhang nag-aalburoto na ang bulsa niya!

“Ang tanong, kapag nagbalik na kaya sa work ang girl, e, matuto na siyang makisama? Magka-PR na kaya siya? Hindi na kaya siya basta mangdededma lang?

“Natuto na kaya siya sa lockdown? Maging humble na kaya siya kahit wala nang coronavirus? O ganu’n na naman siya sa dati na hindi namamansin ng mga kasamahan niyang artista at production staff?” tawa nang tawang konklusyon ng aming source.

Don Ramon wala nang bara sa puso

Nakakatuwang malaman ang malaking pagganda ng sitwasyon ng kalusugan ni dating Senador Ramon Revilla, Sr. na sumailalim kamakailan sa angiogram.

Hindi na kailangang i-angioplasty ang beteranong aktor dahil wala itong baradong stent, maayos ang daluyan ng dugo sa kanyang puso, walang dapat ikabahala ang kanyang mga anak.

Napakaraming humahanga sa tibay ni Tito Ramon, ilang beses na nga ba naman itong isinugod sa ospital ng kanyang mga anak, pero palagi nitong nalalampasan ang lahat.

Umaandar daw talaga ang agimat ng action star, hindi lang daw ‘yun pampelikula, nilunok daw yata talaga ni Tito Ramon ang makasaysayan nitong agimat kaya ganyan katibay ang kanyang katawan.

Pero nilinaw naman ni Senador Bong na ang agimat ng kanyang ama ay ang matindi nitong pananampalataya. Ang kagustuhan pa nitong mabuhay.

Ang isa pang pinaghuhugutan ng lakas ni Tito Ramon ay ang kanyang mga anak. Napakalaking karagdagang lakas nu’n para sa pasyente.

Ang magkakapatid na Revilla ay kumikilos nang iisa, hinding-hindi nila pinababayaan ang kanilang ama, lahat silang magkakapatid ay nakabantay kay Tito Ramon.

Kapag nakikita ng maysakit ang ganu’n ay lumalakas ang kanyang katawan, mabisang gamot ang pagmamahal ng pamilya, mga doktor na mismo ang nagsasabi na kapag nakikita ng pasyente ang matinding suporta ng kanyang pamilya ay mas matindi pa ‘yun sa mga suwerong ikinakabit sa kanyang mga ugat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?