31

Oct 19, 2017 @ 22:06

Malaysian terrorist na kasama ng Maute, patay na!

Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na napatay na ng mga tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Malaysian terrorist na kasama ng Maute terror group sa Marawi city na si Dr. Mahmud Ahmad.

Sa kanyang talumpati sa harapan ng mga negosyante sa Manila Hotel, inianunsiyo ng Pangulo na nakuha na ng militar ang malaysian terrorist kahapon ng hapon.

Kahapon ng umaga ay napaulat na kasama si Mahmud sa mga napatay na terorista sa magdamag na bakbakan sa marawi City pero hindi agad kinumpirma ng AFP hanggat hindi nakuha ang kanyang bangkay.

Ayon kay Pangulong Duterte, tapos na ang istorya ng mga terorista sa Marawi City ngayong napatay na ang malaysian terrorist.

“Si Doc, he was taken this afternoon, and that coimpletes the story,” ang pahayag ng Pangulo.

Si Mahmud ang sinasabing financier ng Daesh Maute sa pag-=atake sa Marawi City noong May 23, 2017.

Sa isang text message kinumpirma ni AFP Spokesman Major gen. Restituto Padilla na napatay na si Mahmud at tatlong hostages na nakakilala sa dayuhang terorista ang nagkumpirmang kasama ito sa mga napatay.

Matatandaang noong Lunes ng madaling araw ay unang napatay ng mga tropa ng militar ang ISIS Emir sa Asya na si Isnilon Hapilon kasama ang isa pang lider na si Omar Maute. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?