99

Nov 6, 2017 @ 18:39
By

Malaysian terrorist Amin Baco, posibleng patay na – AFP

Kinontra ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang naging pahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald dela Rosa na may bago nang Emir ang ISIS sa Southeast Asia sa katauhan ng Malaysian terrorist na si Amin Baco.

Ito’y makaraang mapatay kamakailan sa operasyon ng tropa ng militar sa main battle area sa Marawi City ang dating Emir ng ISIS sa Southeast Asia na si Isnilon Hapilon.

Ayon kay AFP spokesman Major General Restituto Padilla Jr., naniniwala ang AFP na wala nang lider at wala nang direksiyon ang Maute ISIS dahil para sa kanila napatay na noon pa si Amin Baco at ang labi nito ay kasalukuyan nang hinahanap ng militar.

“Contrary to recent pronouncements by some officials that it is now headed by a certain Amin Baco, the AFP strongly believes that the group is now leaderless and without direction. Amin Baco is believed to have been among those killed in Marawi recently. Baco’s remains is now the subject of an ongoing aggressive search,” sabi ni Padilla.

Tuloy ang clearing operation ng tropa ng militar sa main battle area sa Marawi City para ma-neutralize ang mga natitira pang stragglers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?