39

Nov 6, 2017 @ 15:22
By

Malaysian terror Amin Baco, nasa Marawi pa — DND chief

Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na nananatili pa rin sa loob ng main battle area sa lungsod ng Marawi si Malaysian terrorist Amin Baco.

Si Baco ang sinasabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald dela Rosa na pumalit sa puwesto ng Emir ng ISIS sa Southeast Asia na si Isnilon Hapilon.

“Wala kaming balitang nakalabas siya or nandun pa siya, pero ang tingin namin nandun pa siya sa loob,” sabi ni Lorenzana.

Sinabi pa ni Lorenzana na bagama’t pinalit sa puwesto ni Hapilon si Baco ay hindi ito maikukumpara sa una bilang isang high profile terrorist.

“Well he is obviously, hindi naman lumalabas ‘yung pangalan niya noon, ngayon na lang lumalabas ‘yan, maybe he is not as high profile as Isnilon, siguro mga middle level lang ‘yan pero it seems wala nang leaders na mas mataas sa kanya then he may be also taking over,” sabi ni Lorenzana.

Sa ngayon patuloy pa rin daw ang operasyon ng militar laban sa mga natitirang stragglers sa main battle area sa Marawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?