129

Mar 7, 2019 @ 16:27
By

Malaysian PM, Pangulong Duterte, nagkita sa Palasyo

Mainit na tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang ang bumibisitang si Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad kaugnay sa dalawang araw na official visit nito sa Pilipinas.

Binigyang ng arrival honors ang Malaysian Leader sa Malacanang Palace grounds bago tuluyang pumasok sa loob ng Palasyo para sa gagawing pagpupulong nila ni Pangulong Duterte.

Pinanood ng Pangulo at ni Mahathir ang inihandang cultural presentation na kinabilangan ng sayaw na tinikling, singkil at carinosa.

Hinangaan din ng Malaysian prime Minister ang tugtog ng banda kawayan dahil sa mga instrumentong yari sa kawayan.

Magkakaroon ng expanded bilateral meeting ang dalawang lider ngayong hapon at pagkatapos ay ang hinihintay na joint statement ng mga ito.

Hindi naman maabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kung kasali ang Sabah issue sa mga pag-uusapan nina Pangulong Duterte at Prime Minister Mahathir.

Magiging huling aktibidad para sa bumibisitang Malaysian leader ay ang state banquet na ihahandog sa kanya ni Pangulong Duterte mamayang gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?