110

Oct 22, 2017 @ 16:09

Malaysian minartilyo sa mukha sa loob ng van

Isang Malaysian National ang pinagtripan ng kanyang nakasabay na pasahero sa loob ng pampasaherong van kung saan pinukpok siya sa mukha, ulo, at katawan noong Sabado ng gabi sa Navotas.

Sa ulat ng Navotas City Police Community Precint II, nangyari alas – 10:45 ng gabi sa kahabaan ng M. Naval Street, Barangay Daanghari ng nasabing lungsod.

Sakay ng pampasaherong Toyota Avanza ang biktimang si Putra Asmarra Bin Che Nan, 36 anyos, isang Malaysian  na pansamantalang nanunuluyan sa Victoria Cottage Resident.

Papunta ng oras na iyon ang biktima sa kanyang kaibigan na nakatira sa Navotas

Pagdating umano sa M. Naval Street, pumara ang suspek subalit bago bumaba ay kinuha nito ang kanyang martilyo sa kanyang bag at bilang hinataw ang biktima sa ibat ibang parte ng kanyang katawan.

Agad kumaripas ng takbo ang suspek habang namilipit naman sa sakit ang biktima sa kalsada dahil sa tama ng martilyo na tinamo nito.

Kahit na may mga sugat, dumiretso pa rin ito sa pinakamalapit na himpilan na pulisya na nagdala naman sa kanya sa ospital.

Inaalam pa ang pagkikilanlan ng suspek. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?