46

May 10, 2021 @ 20:43
By

Malaysia nagdeklara ng nationwide lockdown

Nagpairal na ng nationwide movement control order ang gobyernong Malaysia dahil sa pagtaas ng COVID-19 case.

Ayon sa The Straits Times report, simula Mayo 12 hanggang Hunyo 7 iiral ang nationwide lockdown.

Sabi ni Prime Minister Muhyiddin Yassin, tinanggap ng National Security Council – ang decision-making body sa pandemic ng Malaysia — ang desisyon sa pagpupulong na ginawa ngayong Lunes.

Ito na ang ikatlong malawakang lockdown sa bansa simula ng pandemya ng Marso 2020.

Noong Sabado pumalo ang daily case ng Malaysia sa 4,519 matapos ang 4,498 noong Biyernes.

Ngayong Lunes ay nagtala ito ng 3,807 bagong kaso.

Mayroon nang kabuuang 444,484 COVID case sa Malaysia, kabilang ang 1,700 death toll.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?