61

Dec 25, 2017 @ 18:26

Malaysia Airports, nag-sorry sa ‘Mary Christmas, Happy New Years’

Humingi ng paumanhin ang Malaysia Airports Bhd nitong Linggo sa maling spelling at grammar error sa banner stand nila ngayong holidays na nakatayo sa Sultan Ismail Petra Airport sa Kota Bharu.

Tinuligsa at nag-viral sa social media ang maling spelling at grammar na ito kung saan mababasa sa banner stand ang mga kataga ng pagbati na “Mary Christmas” at “Happy New Years”.

Sa isang pahayag ay nagpaabot na ng pagso-sorry ang Malaysia Airports dahil sa pagkakamali at siniguro na natanggal na ang naturang banner stand.

“Dear readers and netizens,

We have received numerous feedback on the erroneous Christmas bunting that was put up, specifically, at the Kota Bharu airport. We have immediately removed the bunting upon discovering the error last night. We wish to assure you that this does not involve any other airports. Thank you for your concern in highlighting the matter to us. We extend our apologies, and wish you Merry Christmas and Happy New Year. #MYairportsupdates #notice #airport,” sabi nito sa pahayag sa kanilang social media account.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?