104
malaya publisher jake macasaet dead
By

Malaya publisher Jake Macasaet, pumanaw na

Sharing is caring!

Sumakabilang-buhay na ang Malaya Business Insight publisher na si Amado “Jake” Macasaet kaninang umaga.

Pumanaw si Macasaet, 81, alas-8:35 ng umaga, ayon pahayag ng kanyang asawang si Karen sa kanyang Facebook account.

Sabi ni Karen, ang unang araw ng burol ay nakalaan para sa buong pamilya ng Macasaet. Ihahayag na lamang ang iskedyul ng burol sa Heritage Park sa Fort Bonifacio.

“We thank you in advance for understanding our desire to spend the day with Papa. We will announce the schedule of his wake in Heritage Park, Fort Bonifacio immediately,” sabi ni Karen.

Agad namang nagpaabot ng pakikiramay si Senador Panfilo Lacson sa pagpanaw ng kanyang kaibigan.

“Publisher, writer, Jake Macasaet passed away this morning. Witty, funny, frank and unpretentious. He will be missed. Goodby my friend,” pahayag ni Lacson sa kanyang Twitter account.

Bukod sa pinamunuan ang Malaya, si Macasaet din ang chairman ng asosasyon ng mga pahayagan, ang Philippine Press Institute. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?