31

Jan 5, 2022 @ 13:05
By

Malawakang turukan para sa tanders plano ng DOH

Pinaplano umano ng Department of Health (DOH) na magdaos ng national vaccination day na nakatuon sa pagbabakuna ng mga senior citizen, ayon kay Sec. Francisco Duque III.

“We are planning to put up a national vaccination day for the senior citizens,” saad ni Duque ngayong Miyerkoles sa isang forum.

Sa ngayon, ang mga bakunadong matatanda ay kwalipikado na para sa booster shot.

Dalawang beses nang nag-daos ng national vaccination day ang pamahalaan noong nakalipas na taon, na nagresulta sa pagbabakuna sa milyon katao.

Ani Duque, nasa 1.96 milyon na ang naiturok na booster shot.

“We need to further encourage everyone to get their primary series or booster doses at the soonest possible time but baring in mind the prioritization framework ought to be followed,” dagdag pa ng kalihim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?