36

Jul 29, 2018 @ 13:18
By

Malawakang ‘hiring’ iniutos ni Duterte – Andaya

Aabot sa 130 libong trabaho ang naghihintay sa mga Pilipino sa susunod na taon matapos iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang malawakang hiring ng mga guro, pulis, bumbero at jail guards.

Ayon kay Deputy Speaker Rolando Andaya, Jr., ang direktiba ng Pangulo ay nakapaloob sa kanyang taunang “Budget Message”, na nagsilbing cover note ng panukalang P3.757 trillion national budget para sa 2019.

Binanggit ni Andaya na lilikha ang gobyerno ng 10 libong bagong teaching positions na popondohan ng P2.21 billion ang sahod sa unang taon, at nakapaloob sa panukalang P529 bilyon na budget ng Department of Education.

Bukod dito, iniutos rin ni Pang. Duterte na punan ang 105,529 na bakanteng posisyon sa DepEd.

“By 2022, it is safe to bet that DepEd will be a million-man agency. Every time there is a net increase of 40 enrollees in the public school system, we have to hire one teacher and build one classroom,” sabi ni Andaya.

“But with the policy to establish a “one teacher per 25 learners ratio”, the need to hire more teachers becomes imperative, “ dagdag ng kongresista

Hiniling rin anya ng Presidente sa Kongreso na pondohan ang pagkuha ng 10,000 Police Officers 1; 2,000 Jail Officers 1; at 3,000 Fire Officers 1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?