10
vicente-sotto-memorial-center
By

Malasakit Center para sa mga mahihirap, inilunsad sa Cebu

Sharing is caring!

Kasabay ng selebrasyon ng Labor Day na ginawa sa Cebu City ay pinasinayahan naman ng gobyerno ang Malasakit Center sa Vicente Sotto Memorial Hospital para sa mga mahihirap na walang kakayahang magpagamot at makabili ng gamot.

Pinangunahan ni Presidential Assistant to the President Bong Go ang launching ng programa batay na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang Malasakit Center ang magsisilbing one stop desk na magsisilbi sa mga mahihirap na pilipino at popondohan ito ng P50 million kada buwan mula sa socio-civic fund ng Pangulo.

Sinabi ni Go na nababahala si Pangulong Duterte sa mga sumbong na mahaba lang pila sa mga ospital ng gobyerno dahil karamihan sa mga pasyente ay walang kakayahang bumili ng gamot .

Nauna ng itinatag ang Malasakit Center sa Davao City at plano rin ng administrasyon na ilunsad ito sa Tacloban, Dumaguete at Bacolod City.

Dalawang araw ang magiging selebrasyon ng Labor day sa Cebu na tatagal hanggang bukas, Mayo a dos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?