46

Nov 5, 2017 @ 11:28

Malamyang Warriors nagising vs Spurs

Nobyembre pa lang pero nangangarap na sa parating na Abril ang Golden State Warriors, lalo sina Kevin Durant at Stephen Curry.

Isa rin marahil ito sa mga dahilan kaya napagtatalo ang Warriors.

Laban sa San Antonio kahapon, malamya din ang umpisa ng Golden State pero gumising para talunin ang Spurs 122-92 Huwebes ng gabi.

Umiskor si Klay Thompson ng 27, nagdag­dag si Durant ng 24 at may 21 si Stephen Curry sa unang pagta­tagpo matapos walisin ng Warriors ang Spurs sa nakaraang Western Conferenc­e finals.

Wala sa Spurs sina Kawhi Leonard at Tony Parker, tulad din noong conference finals, pero hindi bumigay agad ang Spurs.

Hindi nakaiskor ang Warriors mahigit 4 minute­s sa kaagahan ng first quarter at lumayo ang Spurs 31-12.

Sa unang pagkakataon ay naagaw ng Golden State ang manibela 60-57 sa 3 ni Durant sa bukana ng second half.

Mula roon ay nakakuha ng momentum para lumayo.

Pinangunahan ng 24 points at 10 rebounds ni LaMarcus Aldridge ang San Antonio. May 16 points si Kyle Anderson­, pumalit sa puwesto ni Leonar­d (injured right quadriceps).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?