75
Malampaya funds

Malampaya funds gagamitin para maagapan ang dagdag-singil sa kuryente

Inaprubahan na ng Senado sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas para magamit na pang-agap sa pagtataas ng kuryente ang Malampaya funds.

Sa panukala na inakda ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, ipambabayad sa mga utang ng National Power Corporation (Napocor) ang P204B mula sa natipong bahagi ng kita ng gobyerno mula sa Malampaya Gas Project sa Palawan.

Kapag hindi nabayaran ngayon ang utang ng Napocor na nasa P244B, sinabi ni Recto na lolobo ito sa P566.2B sa taong 2026.

Wala umanong ibang pagkukunan ng pambayad dito kundi ang pagdaragdag ng P0.86 sa bawat kilowatrahe ng kuryente bilang universal charge.

“Or there is the painless way: by using the Malampaya fund to wipe the slate clean,” ayon kay Recto.

Nakatakda itong aprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa sa susunod na linggo. (isaac mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?