85
sandiganbayan
By

Malampaya fund case ni Andaya, Napoles tuloy

Hindi pinaboran ng Sandiganbayan ang apela ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., at mga kaanak ni plunder convict Janet Lim-Napoles na ibasura ang nasa 200 kasong kriminal nito kaugnay ng P900-million Malampaya Fund scam.

Sa resolusyon na may petsang January 8, sinabi ng Special Third Division na walang bago sa argumento ng defendants para baligtarin ang resolusyon na nagbabasura sa motions to quash nito noong Agosto 20, 2018.

Ibig sabihin nito, balido at ilalarga na ang pagdinig sa mga kasong graft at malversation na inihain laban sa mga sangkot.

Ang kaso ay nag-ugat sa paggamit umano ng pondo sa ghost livelihood projects para sa mga biktima ng mga bagyong Ondoy at Pepeng noong 2009.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?