malampaya

Malampaya contractors, pinagbabayad ng COA ng P146.8-B

Sharing is caring!

Sinisingil na ng Commission on Audit (COA) ang Shell Philippines Exploration B.V. (SPEX), Chevron Malampaya LLC (Chevron), at ang Philippine National Oil Company Exploration Corporation (PNOC EC) ng P146.8 bilyon na hindi pa nito nababayaran sa gobyerno kaugnay sa Malampaya Natural Gas Project.

Binasura ng COA ang motions for reconsideration (MR) na inihain ng Malampaya contractors at ng Department of Energy (DOE) matapos makitang walang lehitimong basehan para baligtarin ang April 2015 ruling.

Inilabas ng COA ang notice of charge (NC) noong 2015, na nagsasabing dapat makatanggap ang gobyerno ng mahigit P53 bilyong income taxes mula sa Malampaya consortium para sa taong 2002-2009.

Lumobo na umano ito sa P146.8 bilyon dahil sa patuloy na hindi pagbabayad ng consortium mula 2010-2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?