harry-roque
By

Malamig na pagtanggap ng publiko sa ChaCha, OK lang sa Palasyo

Sharing is caring!

Tanggap ng Malacanang ang resulta ng Pulse Asia Survey na mayorya ng mga Pilipino ay hindi pabor na amiyendahan ang ilang probisyon ng 1987 Constitution.

Sa harap ito ng nakakasang hakbang ng mga mambabatas para sa charter change o chacha, subalit lumabas sa survey na 64% ng mga pilipino ay ayaw na mabago ang Konstitusyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na marami pang mga dapat gawin ang gobyerno para ipaunawa kung bakit kailangang magkaroon ng reporma sa konstitusyon.

“We take note of the recent Pulse Asia survey showing 64% of Filipinos not in favor of amending the Constitution.The same survey, however, indicates that only 49% of Filipinos are aware of the proposals to change the present charter.

This implies there is still a lot of work to be done by the government in informing, educating and reaching out to our countrymen regarding constitutional reforms,” ani Roque.

Magiging puspusan aniya ang gagawing pagkilos ng administrasyon para maintindihan ng publiko kung bakit kailangan ang federal set-up sa gobyerno.

“The Duterte administration is thus working tirelessly in promoting to the public the workings of a federal set-up, a campaign promise of the President to bring government closer to the people,” dagdag pa ni Roque.

Ang charter change ay kailangan para maisulong ang federalismo na naipangako ng Pangulo sa mga lider sa Mindanao region.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?