13
views

By

Malalang kondisyon ng mga kulungan, pinuna ng COA

Sharing is caring!

Sinita ng Commission on Audit (COA) ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa masamang kalagayan sa loob ng mga kulungan sa buong bansa.

Sa 2017 report, sinabi ng COA na ang occupancy rate sa mga selda ay umabot na ng 612% o 146,302 inmates, na masyadong mataas para sa 20,653 lamang na capacity.

“The jail populations for the rear recorded an increase in various months due to the number of drug-related cases in the country as well as the court’s slow action or inaction on the pending cases,” ayon sa COA.

Tinukoy ng ahensya ang Region 4-A (Calabarzon) na may pinaka-siksikang mga kulungan, sunod ang Region 3 (Central Luzon) at Region 9 (Zamboanga Peninsula).

Ayon sa COA, ang ganitong kondisyon ay labag sa United Nations Standard Minimum Rules for the Treatment of Prisoners at sa Bureau of Jail Management and Penology Manual on Habitat, Water, Sanitation and Kitchen in Jails.

Dahil sa siksikan, nadiskubre rin ng ahensya na tumaas ang bilang ng mga presong nagkakasakit at dumami ang sumasali sa gangs.

“Congestion in jails lead not only to health and sanitation problems but also to increased gang affiliation of inmates. To sustain survival, inmates hold on to gangs or ‘pangkat’ where they find protection, network of social support and most importantly, access to material benefits,” ayon sa COA. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?