24
dole1
By

Malalaking kumpanya, payag nang mag-regular ng empleyado – DOLE

Sharing is caring!

Payag na umano ang malalaking kumpanya na nauna nang tinukoy ng Department of Labor and Employment (DOLE) na sangkot sa malawakang iligal na kontraktwalisasyon na gawing regular ang kanilang mga manggagawa.

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello, nagpahayag na ng intensyon na magpatupad ng regularization program ang Jollibee Food Corporation, DOLE Philippines Incorporated at Philsaga Mining Corporation.

Dagdag pa ni Bello, nagsumite na ng kani-kanilang mga regularization program sa DOLE ang SM Mall at Century Pacific Food Incorporated.

Katunayan, marami pa umanong mga kumpanya sa iba’t ibang panig ng bansa ang nagsumite na rin ng regularization plan sa DOLE matapos na ilabas ng kagawaran ang paunang listahan ng mga kumpanya na diumano’y non-compliant o hindi sumusunod sa batas at panuntunan laban sa illegal contractualization.

Dahil dito, asahan na umano na madaragdagan ang bilang ng mga manggagawa na mareregular sa trabaho.

“The release of the initial list of non-compliant establishments, which we submitted to the Office of the President made a huge impact on our campaign against illegal contractualizaton. Various firms are now submitting their own regularization plans but still they are all up for inspection to ensure the rights of employees to security of tenure,” saad ni Bello.

Magmula nang ilunsad ng DOLE ang maigting na kampanya laban sa endo ay umaabot na umano sa halos 183,000 mga manggagawa ang naging regular sa trabaho. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?