59

Feb 5, 2020 @ 10:01
By

Malalagas sa NLEX 5×5, lalagpak sa 3×3

May 19 players ang NLEX kasama ang reserves mula nang magsimulang mag-ensayo nitong Jan. 6.

Ang final lineup ay hindi lalagpas sa 15, kaya may apat na malalaglag.

Hindi nagkaproblema rito ang Road Warriors dahil may paglalagyan na sila sa mga makakalos mula sa final roster – sa 3×3 tournament na planong ilunsad ng PBA sa papasok sa season.

Sisiklab ang 45th season sa March 1 sa pamamagitan ng Philippine Cup.

“Isang dine-determine namin kung may 3×3,” ani coach Yeng Guiao. “So, hino-hold namin ‘yung final lineup namin, ‘yung 15. Whoever does not make the 15 will automatically jump into the 3×3 team namin.”

Sa planning session sa Milan, Italy noong isang linggo, nagdesisyon ang PBA Board na maglunsad ng sariling 3×3 tournament sa March din. Magpapasok ng team ang lahat ng 12 franchises ng liga, kasama ang teams mula sa labas.

Ayon kay Commissioner Willie Marcial, interesadong sumali ang Mighty Sports at Dunkin’ Donuts.

Suportado ng PBA ang plano ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na palakasin ang 3×3, kasali na sa Olympics umpisa sa Tokyo sa July.

Gold medalist ang 3×3 team nina CJ Perez, Chris Newsome, Jason Perkins at Mo Tautuaa noong SEA Games pero hindi pa awtomatikong pasok sa Tokyo Olympics ang Pilipinas. Kailangan munang dumaan sa Olympic qualifyin tournament– una sa March sa New Delhi, India.

Muling ipapahiram ng PBA sina Perez, Newsome, Perkins at Tautuaa sa 3×3 pool ni coach Ronnie Magsanoc para sa OQT.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?