31

Mar 20, 2020 @ 14:55
By

Malala ang sintomas ng coronavirus unahin- Garin

Nanawagan si dating Health Secretary na ngayon ay Iloilo Rep. Janette Garin na unahin ang testing sa mga taong malala na ang lagnat at ubo na pinaghihinalaang mga kaso ng COVID-19 cases dahil kaunti lang ang testing kits sa bansa.

“Mas malala ang sintomas, mas makakahawa. If we prioritize symptomatic patients, mas maaga nating makikilala ang mga pasyenteng positibo,” sabi ni Garin.

“Kaliwa’t kanan po ang kagustuhan ng ating mamamayan na magpa-test sa COVID-19. Nananawagan po tayo sa ating mga kababayan na bigyang prayoridad ang mga nagpapakita ng malinaw na sintomas,” sabi ni Garin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?