46

By

Malaking joke! Spoelstra naasar sa pagdedma kay Butler sa All-Star starter

Kung si Erik Spoelstra ang tatanungin, dapat lang na mapasama ang kanyang player na si Jimmy Butler sa NBA All-Star starter.

Kaya naman suhestiyon niya na sana’y hindi na pagbasehan ang posisyon sa pagkakasama sa mga starter, na ngayon ay nakabase sa pagkuha ng tatlong forward at dalawang guard.

Mas mataas kasi ang fan vote na nakuha ni Butler kaysa kay Kemba Walker, habang naungusan din si Trae Young pagdating sa media at player vote.

“It’s a joke that he’s not,” ayon kay Heat coach Spoelstra. “Hopefully this will change things in the future.”

“I’m so confused by it,” aniya pa. “I just think it’s ridiculous that we’re still in these antiquated positions. So who’s to say what position Jimmy is? Does it matter? … These are such antiquated labels. I feel like we moved on from that years ago.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?