4
unipin
By

Malaking eSports battle, sasambulat sa Hunyo

Sharing is caring!

Iigkas ang pinakahihintay ng mga nahihilig sa electronic sports o eSports na pinakamalaking torneo ng iba’t ibang laro sa internet sa buong bansa sa susunod na buwan ng Hunyo.

Ito ay matapos na ilunsad ang ‘UniPin Online Game Voucher’ mula Indonesia, ang pinakamalaki at pinakaboritong brand sa online gaming industry sa pagpapalakas at pagpapalawak ng presensiya nito sa Southeast Asian Gaming Market sa pagpasok ng industriya dito sa Pilipinas.

Bilang pauna nitong pagpapakila at pag-debut sa Pilipinas, agad nakipagpareha ang UniPin sa SM Cyberzone sa paghohost ng eSports tournaments simula Hunyo 2018.

Ang magwawagi sa torneo ay isasama sa Jakarta para naman sumabak sa UniPin’s eSports Cup para sa lugar ng Southeast Asia, na magaganap sa kalahatian ng October 2018.

Inilunsad mismo ni Mr. Ashadi Ang, ang CEO ng UniPin, ang online game voucher sa pagnanais nito na mabuksan ang industriya ng online gaming sa bansa dahil na rin sa papalawak at lumolobo nitong paglaki na dahilan para ipasok ang digital at online gaming sa lumalaking online gaming community sa rehiyon.

“The online game market for the Southeast Asian gaming industry is experiencing a tremendous growth and this has motivated UniPin to a new chapter in its digital journey to move its expansion to the Philippines to cater to growing online gamers of this region,” sabi ni Ang.

“Demand in the online gaming market further geared us to develop and build the greatest gaming community for this region, in particular to provide a regional eSports platform for the local Philippines gamers to connect with Southeast Asia gaming communities and to support the creation of a healthy eSports lifestyle among the young generation.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?