49

Apr 23, 2020 @ 21:11
By

Malakihang prayer meeting para sa Ramadan kanselado – DOH

Pansamantalang suspendido ang malalaking prayer meeting o sama-samang pagdarasal sa mga prayer room o mosque sa buong bansa sa pagdiriwang ng Ramadan.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naglabas na ng memorandum order ang National Commission on Muslim Filipinos na nagsususpinde nito dahil sa COVID-19.

“Karamihan sa ating mga kapatid na Muslim ay pumupunta sa mosque para sa Taraweeh congregation prayer. Naglabas na rin po ang National Commission on Muslim Filipinos ng memorandum order na sinususpinde pansamantala ang pagsasagawa ng Taraweeh o sama-samang pagdarasal sa mga prayer rooms o mosque sa buong bansa para sa pagdiriwang ng Ramadan ngayong taon,” ani Vergeire sa ulat ng ABS-CBN.

Sa halip ay hinihikayat ng DOH na magdasal sa kaniya-kaniyang tahanan at manatili sa loob ng bahay sa buong panahon ng Ramadan at enhanced community quarantine.

Opisyal na magsisimula ang isang buwang fasting ng mga Muslim sa Abril 24.

Ang Ramadan ang banal na buwan sa mga Muslim na marka ng kanilang fasting, pagdarasal at pagtulong sa mahihirap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?